Gising, Tol.
-0-0-0-0-0-0-
Gising, Tol.
Tumatanda ka na, tol.
Nasa Friday Magic Madness na yung mga paborito mong kanta. Nakaka-relate kana sa Classic MTV. Lesbiana na yung kinaaaliwan mong child star dati. Nanay na lagi ang role ng crush na crush mong matinee idol noon.
Dati, pag may panot, sisigaw ka agad ng "PENDONG!". Ngayon, pag maysumisigaw nun, ikaw na yung napapraning. Parang botika na ang cabinet mo.May multivitamins, vitamin E, vitamin C, royal jelly, tsaka ginko biloba.
Dati, laging may inuman. Sa inuman, may lechon, sisig, kaldereta, inihaw naliempo, pusit, at kung anu-ano pa. Ngayon, nagkukumpulan na lang kayo ng mgakasama mo sa Starbucks at oorder ng tea.
Wala na ang mga kaibigan mo noon.
Ang dating masasayang tawanan ng barkada sa canteen, napalitan na ng walangkatapusang pagrereklamo tungkol sa kumpanya ninyo. Wala na ang best friendmo na lagi mong pinupuntahan kapag may problema ka. Ang lagi mo na lang kausap ngayon e ang kaopisina mong hindi ka sigurado kung binebenta ka saiba pag nakatalikod ka. Ang hirap nang magtiwala.
Mahirap nang makahanap ng totoong kaibigan. Hindi mo kayang pagkatiwalaanang kasama mo araw-araw sa opisina. Kung sabagay, nagkakilala lang kayo dahil gusto ninyong kumita ng pera at umakyat sa tinatawag nilang "corporateladder". Anumang pagkakaibigang umusbong galing sa pera at ambisyon ay hinditalaga totoong pagkakaibigan. Pera din at ambisyon ang sisira sa inyong dalawa.
Pera. Pera na ang nagpapatakbo ng buhay mo.
Alipin ka na ng Meralco, PLDT, SkyCable, Globe, Smart, at Sun. Alipin ka ngMidnight Madness. Alipin ka ng tollgate sa expressway. Alipin ka ng credit card mo. Alipin ka ng ATM. Alipin ka ng BIR.
Dati-rati masaya ka na sa isang platong instant pancit canton. Ngayon, dapatmay kasamang italian chicken ang fettucine alfredo mo. Masaya ka na noon pagnakakapag-ober-da-bakod kayo para makapagswimming. Ngayon, ayaw mong lumangoy kung hindi Boracay o Puerto Galera ang lugar. Dati, sulit na sulitna sa yo ang gin pomelo. Ngayon, pagkatapos ng ilang bote ng red wine,maghahanap ka ng San Mig Light o Vodka Cruiser.
Wala ka nang magawa. Sumasabay ang lifestyle mo sa income mo. Nagtataka ka kung bakit hindi ka pa rin nakakaipon kahit tumataas ang sweldo mo. Yung mgabagay na gusto mong bilhin dati na sinasabi mong hindi mo kailangan,abot-kamay mo na. Pero kahit nasa iyo na ang mga gusto mong bilhin, hindi ka pa rin makuntento.
Saan ka ba papunta?
Tol, gumising ka. Hindi ka nabuhay sa mundong ito para maging isa lang samga baterya ng mga machines sa Matrix. Hanapin mo ang dahilan kung bakitnilagay ka rito. Kung ang buhay mo ngayon ay uulit-ulit lang hanggang maging singkwenta anyos ka na, magsisisi ka. Lumingon ka kung paano ka nagsimula,isipin ang mga tao at mga bagay na nagpasaya sa yo. Balikan mo sila.
Ikaw ang nagbago, hindi ang mundo.
