Tuesday, September 20, 2005

Pagbabalik

"It's a woman's prerogative to change her mind." - Joey Potter of Dawson's Creek

Ayoko na pala lumayo. Mas gusto ko na pala dito. Hindi dahil gusto kong maging mahina, pero dahil sa pagiging mahina ako nakakapag-ipon ng lakas. Dahil sa ganitong paraan ako nagiging isang tao. Dito ako nakakaramdam ng iba't ibang emosyon na nakakapagpaalala sa akin kung bakit di ko dapat piliin na mabuhay nang mag-isa.

Teka.

Pero baka hindi ko maiwasan. Baka hingin sa 'kin ng pagkakataon na umalis. Practical daw kasi ang Virgo eh. Should I blame the stars now? Sige, ganito na lang, aalis ako. Pero hindi kita iiwan. Lalayo ako, pero mananatili ako sa tabi mo. Bigyan mo lang ako ng ilan pang panahon, at babalikan kita. By then, hindi na kita pakakawalan pa. Panalangin ko lang, mahintay mo sana ko.
Posted by chillybean at 8:30 PM |  
Labels: ,

0 comments:

Subscribe to: Post Comments (Atom)