Monday, September 19, 2005

Magulong Saloobin

Ang gulu-gulo. Hindi ko lang alam kung marami ba kong iniisip, dapat isipin o gustong isipin. Pero bakit ganun? Wala naman akong natatandaan maliban sa kulay puting dingding ng kwarto ko na minsan eh kulay blue, o green o red, depende sa hallucination ko sa araw na yun. Ang dami ng oras na naakasaya. Tik.tak.tik.tak. Hindi ba ako nanghihinayang? Siguro nakatira ako kagabi, hindi ko lang naaalala, namanhid na kasi yung utak ko.

Ako ay batang maraming pangarap. Isa na doon ay ang magpakalayu-layo. Gusto kong pumunta sa isang lugar na walang nakakakilala sa akin. Doon sa malayong lugar na yon ay matututo akong mabuhay nang mag-isa. Malalaman ko kung paano gumising sa umaga at matulog sa gabi na sarili ko lang ang iisipin ko. Yung ako lang, sa akin lang ang mga pangarap ko. Oo, pangarap kong maging maka-sarili. Pangarap, meaning, hindi ko kayang maging ganun ngayon. Pangarap, meaning, magbali-baliktad man ang mundo eh hindi ko magagawang maging ganun. Anyway, going back to my day-dreaming, doon sa malayong lugar na yun eh magiging matapang ako, gaya ng pinapangarap ko. (Again, consider my definitions of "pangarap" sa previous lines ko.) Doon sa malayo, hindi ako magiging mahina. Hindi ako aasa sa iba para sa kaligayahan ko. Hindi ako magtatago sa apat na sulok ng kwarto ko tuwing manghihina ako sa sakit. Kasi doon, hindi ako masasaktan, kasi magiging makasarili na ako.

Minsan nagtataka ako kung bakit ang mga bagay na nakakapagpasaya sa atin ay siya rin mga bagay na nagiging dahilan nang pag-iyak natin. Siguro dahil iisa lang ang mekanismong nagpapatakbo ng pag-ngiti at pag-luha ng ating mukha. Minsan, nalilito siya, kaya napagpapalit-palit niya ang emosyon ko. Siguro naman, may pag-ka-psychotic na talaga ko, ayaw ko lang aminin.

Doon sa malayo, uulitin ko, magiging matapang ako. Uulitin ko, hindi na ako magiging mahina. At oo, ibig sabihin nun, hindi na 'ko titiklop sa'yo.
Posted by chillybean at 1:05 PM |  
Labels: , ,

0 comments:

Subscribe to: Post Comments (Atom)