Wednesday, December 26, 2007

Wanted: Passion

In one of my favorite eps of Ally McBeal, Nelle admitted how she admires Elaine for her passion in singing/dancing. She said she envies her because she doesn't have that -- passion.

I once had this kind of conversation with a soulfriend. We were wondering why other people seem to be less depressed about life in general than we tend to be. Then we arrived at the theory that perhaps the reason for our eternal drama is our lack of passion. Passion for anything: art, IT, science, music, sports, cooking, writing, designing, acting, reading, teaching, working, etc. We do or enjoy some of those things but not to the extent of having real passions for it. Yun tipong ipagpapalit mo ang lahat para dun at you exert real efforts in getting good at it or at least appreciating it. Wala akong ganun eh. May mga friends kaming madedefine mo ang buhay through their passions. In fact, naisa-isa namin ang barkada namin para mapinpoint yun passions nila. Pero until now, hindi pa rin kami maka-come up nang para sa isa't-isa.

Acting
Come on, sinong HS schoolmate ko ba ang hindi makakaalala sa pinagagagawa ko onstage. Hindi ko na iisa-isahin pa. Pero it just occured to me na hindi naman yun ang first time ko. Kasi batang musmos pa lang ako eh nagpe-play na ko bilang si "Mary" sa mga Nativity scene sa school namin dati.

Alam kong marami akong drama sa buhay. Pero hinde, at never, ko rin yun naging passion na enough to do those things again at mag-audition sa next batch of Starstruck.

Art
Maniwala ka man o sa hindi, I used to draw. When I was a kid, sinali ako ng school ko sa isang regional drawing competition. I won first place sa buong Rizal. I think I was 4 or 5 years old. Growing up, nagda-drawing ako ng mga kung anu-anong pwede kong ma-copy sa mga children's books. Sadly, I did not have enough passion to sustain the hobby. Last drawing ko ata eh nung panahon nila Eugene at ng Ghost Fighter. May drawing ako ni Eugene na pinagkakatagu-tago ko pero nakita pa rin nung classmate ko at until gumradweyt kami eh pinapaamin nya sakin kung ako ang gumawa nun. I lied and said I didn't do it. He didn't believe me.

Baking/Cooking
Nung gradeschool ako, kapag may ginawa kaming project sa school (pastillas, yema, salted egg, etc.), ginagawa ko rin yun sa bahay. Hindi pa ko pwede humawak ng syanse at lumapit sa mantika nun kaya pinapabayaan lang ako ng nanay ko kapag mga hindi kelangang lutuin ang gagawin. Nung HS, nagkeep pa ko ng mga recipes ng nanay ko after niya ituro sakin kung pano lutuin ang isang ulam. Ako rin taga-gawa ng desserts kapag may mga handaan sa bahay. Pero since nag-college (ironically, HRIM ang course ko), di na ko ulet na-pirmi sa kusina namin. Sa kitchen ng school, ok lang. Siguro kasi naiimbibe ko rin yun passion ng lahat ng classmates at prof ko. Pero sa bahay, nagluluto lang ako kapag wala na talagang choice.

Alam kong hindi ko naman habambuhay pwedeng takasan ang ma-toka sa kusina. Nagpoprocrastinate lang muna ko habang pwede pa.

Dancing
My barkada get a kick out of teasing me for not knowing how to dance.

When I was a kid, para sa mga classmates ko ang galing-galing ko sumayaw. Hindi ko alam where in the world they got that idea. In one of our school activities, kinuha pa ko ng teacher ko para sumali sa dance group na magperperform on stage. Nung nagpapractice kami, feeling niya ang galing-galing ko talaga kaya nilagay niya ko sa harapan, partner ko yung isang bading na sobrang galing sumayaw. As in parang leader-leader-an pa kami. Pinanood yun sa buong Cainta Catholic. Haha. Syet.

Hindi pa dun natapos ang aking dancing career. Kapag may mga get-together ang family namin, nagpe-prepare kaming mga magpipinsan ng mga dance/song program. Parang noontime show lang. Most of my summer days were spent sa bahay nila Mayee, nagbubuo kami ng mga dance number. Tas during get-together, pini-perform namin sa harap ng lahat ng relatives namin at kung sino pang makikiusi (usually sa mga public beaches kami nun eh). So yeah, I used to know the steps of Oh Carol, Dooadee (Ang TV theme song), Sweet Soul Revue at marami pang UMD songs. Bago pa maging hit ang Embassy, tinatakas (underage ito) na ko ng mga pinsan ko sa mga "disco" houses like Spirit.

And just like my interest to the first three things mentioned above, my interest in dancing went Puff! It became coco crunch! Hindi mo na ko mapapasayaw ngayon -- unless siguro lasheng.

Language
I was enrolled in French classes for three summers in a row. Now, I even have my tutorial CDs. I'm not giving up on this though. But still, my interest about the language is not enough to burn my desire in speaking the foreign tongue.

Martial Arts
My parents enrolled me in a Karate class when I was a kiddo. Nagbugbugan lang kami ng mga kapatid ko. Before I can even master the art of shouting "hiiiiyaaaaaa!", tumatakbo na ko palabas ng pinto habul-habol yun teammate ko.

Musical Instrument

Nag-aral ako ng organ once. Nagkaron ako ng 3 teachers sa piano. 4 or 5 summers ko atang inaral tumugtog ng keyboard. Hinahanda na nga ako para sa isang recital ng isang teacher ko. Pero anong ginagawa ng keyboard namin ngayon? Ayun, hindi mo na makikilala sa ilalim ng alikabok.

Part din ako ng Rondallia group nung gradeschool. I played the Octavina. Most of my fond memories eh during our practice/rehearsals after classes at mga performances sa harap ng buong school, sa ilalim ng araw. Just like my keyboard, my Octavina is now lying oh so lonely under my bed.

I bought this wooden flute once, kasama ang mga piyesa. Matapos ko pagaaralan ang mga usong kanta, ayoko na. Nasa cabinet naman siya ngayon.

My uncle, my cousin, my brother, my Rondallia teammate, my servicemate --- di ko na mabilang kung ilang tao na ang nagturo sakin tumipak ng gitara. At oo, lahat sila nabigong maipasa sakin ang kanilang "passion".

Singing
Before I can even read, nagmememorize na ko ng mga lyrics ng mga kanta. At hindi lang basta nursery rhymes ah, yun mga tipong pambirit talaga. Yun mga gumagamit ng words na hindi ko man lang pa naiintindihan. Isa sa mga prized possession ko nun eh ang aming karaoke and mic. Dapat may mic, di pwedeng wala. Tapos gigisingin ko ang lahat ng kapitbahay naming nagsi-siesta hanggang ma-perfect ko ang song na One Moment in Time nang hindi nabubulol. Complete with the Coda part at "whooo, yeahhhhhhhh" part. Tapos ang theme song namin ng Daddy ko eh yun Somewhere Out There. Favorite namin yun kinakanta kapag magkasama kami sa loob ng kotse, or kahit kung asa bahay lang kami at nagpapaantok. Duet ito. May second voicing and all. Birit mode talaga. Haha.

At gaya ng aking dance performance during reunion, meron din akong portion na kakanta. Minsan duet kami ng pinsan ko, minsan solo ko. Star na star!

Ngayon, kahit ilang ulit ko na naririnig ang mga kanta sa radyo at mp3, putsa, di ko pa rin man lang mapagtugma ang title sa music. Ganun ako kawalang passion.

Swimming
Ilang summers din ako nag-enrol ng swimming lessons. Una para matuto, tapos para dumami ang alam, then para lang may magawa. Kumpleto ko sa mga proper gears. Nagkaron pa ko ng mga rigorous tranings under my beloved coach kasi nagcompete ako sa Milo.

Pero gaya ng ibang hobbies ko, pinagsawaan ko rin siya.

Travel
My previous job could sustain my thirst for travel. Pero come on, pinagpalit ko pa rin siya at nag-resigned pa rin ako. If I'm really passionate about traveling, I could have easily managed all the tortures I ran from for that.

Writing
I've been keeping a journal since I was 12-turning-13. I used to write short stories when I was in Highschool -- one of which I passed for class at pinagbintangan ako ng English teacher ko na hindi ko yun gawa (pinakita ko pa sa kanya yun drafts ko para maniwala siya). I submitted articles sa dati naming school papers para ma-published. Nung college naman, I submitted articles published online. I've been blogging since 2004.

Pero basically, madaldal lang ako. Hindi rin enough ang interest ko in writing to even pass the standard for "passion".


Ako na ata ang perfect example ng "Jack of All Trades, Master of None". Minsan kasi hindi mo naman kelangan ang marami kasi mas hindi mo natutunan kung pano mag-appreciate. Hindi sapat na alam mo lahat. Or nasubukan mo karamihan. Ang importante lang eh meron kang isa. Isang bagay na magde-define sayo. Na makakapagbigay sayo ng sense of fulfilment. Na magbibigay syo ng rason para gumising sa araw-araw or makakapag-pump ng adrenaline rush sa veins mo. Wala ako nun eh. San ba kasi nabibili ang "passion"? Kelangan ko na kasi. :)
Posted by chillybean at 11:50 PM |  
Labels: ,

0 comments:

Subscribe to: Post Comments (Atom)