Thursday, December 14, 2006

Death

Ang surreal pala ng death noh? As in. Marami na ko kamag-anak na namatay, pero putah, ito talaga yun closest. As in. And I quote Abu, “sabay na kayo lumaki.” Sayang hindi ko siya napakilala sa inyo kahit kapitbahay ko lang siya. Sya pa naman ang isa sa mga “puberty sisters” ko. Hehehe! 3 kasi kaming magkaka-age (almost) na girls sa magpipinsan. Tapos triumvirates kami sa mga kalokohan. Nyahaha! Kaya nga grabe rin yun reaction nila Abu, Eking, Jelyn, Ericka and Frances kanina kasi they know how closed we were. Nung gradeschool, di kami masyado chikahan sa school so hindi alam ng mga tao (namely, Lloyd) na magpinsan kami. Pero roommates naman kami every weekend or Summer vacation. Ito na, Abu, aaminin ko na, yun ibang funny hair accessories ko eh nenok ko sa kanya. Nyahaha! We sort of drifted apart kasi nagka-iba na kami ng mundo eventually. So minsan na lang kami magka-bonding time pero she was always honest to me sa mga kalokohan niya. :) The last time I saw her was last Aug. 6, birthday ni Dad when she told me, “Min ah, Ninang ka!” Which is already a given, actually.

Kanina, around 1:30am, pumasok si Mommy sa room ko. “Ate, patay na si Mayee.” As straightforward as that. Alam niyo naman ang Nanay ko, walang sugar-coating na nalalaman. Tapos ako, as in tulala, jaw-dropped and all. Yun parang nasa pagitan ka pa ng panaginip. Tapos lumapit sakin si Mommy and hinawakan yun ulo ko. Tsaka ko lang na-made out yun words niya. Ibang klase. So syempre umiyak ako, natulala, tapos di na ko nakatulog.

Kanina mga 2am, tumawag yun isa pang pinsan namin na ka-triumvirate namin. Hindi ko siya kinausap. Kasi nung magkausap kami nung isang gabi, sobrang praning na kami. So feeling ko kapag kinausap ko siya kanina mag-iiiyakan lang kami. Eh iiyak din naman kami kapag nagkita kami mamaya, magiging redundant lang..

Tapos pagdating ko dito, eh di ok lang. Sinabi ko na sa officemates kong hindi ako sama bukas sa Tagaytay and binalita ko nga yung nangyari. Pochaks, nung ni-hug ako nung isa humagulgol ako! Kumusta naman yun drama queen moment ko?? As in!!! Iyak ako nang iyak! Walang nagsasalita, ngawa ko lang. Hanep. Hindi ko naman sila ganun katagal na ka-close pero parang hindi na ko nag-inarte at humagulgol na talaga ko. Ganun pala yun. Uulitin ko lang: hanep.

Alam ko rin naku-curious kayo sa kinamatay niya. “Pulmonary Embolism.” Huwat, you say? Gaya ng officemate ko, first thing I did today was researched on that. Sa simpleng kwento, ganito ang naganap, kapag pala nanganganak ang babae, umaakyat ang dugo sa heart (basta sa taas). Pagkalabas ng baby, tsaka lalabas yun blood sa katawan niya. Ngunit, subalit, datapwat, hindi iyon ang nangyari kay Mayee. I mean, hindi lumabas yun blood from her body. So nagka-blood clot siya sa ugat na dumadaloy in between her heart and lungs. Kaya pala nahihirapan siya huminga. Dapat daw ay naagapan yun kasi dumadami yun barado. Ang nangyari sa pinsan ko, hindi agad nalaman ng doctor nya yun. Kumusta naman ang 2 weeks na “under observation”? Nahihibang ka ba?? Nung Saturday pa lang na magkakasama kami nababadtrip na kami ni Daddy sa doctor niya. Sabi namin ihanap na ng 2nd opinion. Heniways, kagabi lang siya napasok sa ICU ng Heart Center (galing siya hospital sa Morong). Too late na. Ayun. *buntong hininga*

Ayan, wag na kayo mag-reply alam ko naman lost for words din kayo. :) Gusto ko lang mag-release ng thoughts. Outlet lang. It’s still too absurd for me. I thought I knew death and I was wrong. Ganito pala siya.
Posted by chillybean at 12:03 PM |  
Labels: , ,

0 comments:

Subscribe to: Post Comments (Atom)