Friday, March 23, 2007

Ode to the king

Galet ang mahal na hari. Kasi aalis kami ng maaga later na pinagpaalam at pinayagan naman niya a few weeks back. Kasi may mga magli-leave sa Holy Week. Kasi hindi kami papasok sa mga darating na National Holidays (Labor Day, Election Day, Independence Day, etc.) Kasi meron kaming mga karapatan bilang empleyado at wala siyang magawa kundi i-accept yun. Therefore, galit-galit-an siya and being sarcastic with me the whole time I was presenting my flyer design to him. I didn't smile. Kahit fake na pa-polite na ngiti eh hindi makuhang gawin ng facial muscles ko.

Kasalanan naman niya eh. Kasi "tao" ang kinuha niyang mga empleyado. Eh kung robot na lang ba eh di wala siyang pino-problema sana ngayon. Pwede niya paganahin 24/7. Hindi uuwi nang maaga ni minsan sa isang taon, papasok kahit na Pasko at Bagong Taon pa yan, at never ever mag-a-avail ng vacation leave.

So, pano ba yan? Paumanhin na lang syo, mahal na hari. Kaw naman kasi kung maka-reklamo ka eh parang may OT pay kami ah. Wag kang mag-alala, next year naman wala na kaming lahat dito.. pwede mo na i-consider ang bumili ng mga robots mo. Oks? Oks.
Posted by chillybean at 11:20 AM |  
Labels: , ,

0 comments:

Subscribe to: Post Comments (Atom)