Wednesday, November 28, 2007

Finale

Dahil mami-miss kong mag-rant about sa bane of my existence, huhuling-hirit lang ako.

I just read his email to me, copied to my colleagues. Ang title ng email ay "Thank You". Sabi niya he's sad to let me go, chorva chorva chorva. I put in the most number of hours sa work (oo, gumawa siya ng studies ng mga time in-time out namin) at he's grateful achuchuchu. Dami ko raw na-contribute, etc. etc. etc. Pero disappointed daw siya kasi di ko pa tapos yun sideline projects ko eh dapat daw pumasok ako ng week na 'to para dun -- kesa nilalasap ang natitirang VL ko na di naman niya babayaran kung di ko man gamitin. (Take note: mga basurang projects lang yun [sorry pero kapag nasaktan ka, ibig sabihin di mo dapat binabasa 'tong blog ko] At wala pang nakakatapos kahit sino sa mga empleyado niya. Pamatay-oras lang. Pero sabi ko nga gagawin ko yun from home kahit until next Friday kasi ang dami naman niya talagang binagsak saking trabaho, di ko kayang isingit yun.) Taena talaga, naiyak ako sa magkahalong sarcasm at ka-evil-an ng email niya. Ako pa rin, oo, ako pa rin ang walang silbi at v. disappointing na empleyado sa kabila ng kupal niyang intro. Kung kilala mo siya gaya ng pagkakakilala ko, malalaman mong hindi siya talaga nag-te-thank you gaya ng title ng email niya. In fact, sinusumbatan ka niya at pinapaalam niyang irresponsible kang tao. Sinasabi rin niyang wala siyang dapat ipagpasalamat kasi binayaran ka niya para gawin ang lahat ng ginawa mong sakripisyo -- na apparently, ay kulang pa. Na pinapaalala niyang nung una kang humakbang sa opisina niya eh sinanla mo na ang iyong kaluluwa.

Paksyet. Ang haba pa naman nung mga hirit niyang yun na nagliliyab sa sarcasm. Ang haba ng iyak ko ah, namaga ang mata ko. Tang-ina talaga, hayup sa Finale.
Posted by chillybean at 9:16 PM |  
Labels: ,

0 comments:

Subscribe to: Post Comments (Atom)