Taho

Since I am on the peak of my much-awaited break, I've been spending most of it doing my favorite thing in the world: snoozing. For the life of me, however, I do not understand why my recurring dream is just plain weird: taho.
You see, we have this suking magtataho who already earned a spot in our yearly christmas gift list. My Dad's usual gift to him is a cap. And we'll know it's about time to give him a new one when we saw that the last cap we gave him is already washed-out.
My favorite memory of him is when we were just little kids -- 8-10 years old. Kilala niya kaming lahat na magpipinsan. Minsan, habang hindi kami magkamayaw sa pagtatakbuhan ng mga pinsan ko sa bakuran nila, sisigaw na yung si Mang Louie "Taho! Uy, Min, taho o! Binayaran na kayo ng Daddy mo kanina!" Tas una-unahan na kami ng mga pinsan ko sa pagpila. =D
Asteg yun si Mang Louie. Nakapagpaaral at nakapagtapos siya ng mga anak niya sa pagtitinda lang ng taho. At bukod sa dala-dala niya, meron pa siyang iba pang mga tindero. Parang franchiser lang. Kinukuwento nga niya sakin minsan na malapit na matapos ng Education yun panganay niya. Tas proud na proud talaga siya. Nakakatuwa siya magkuwento kasi nagiging singkit yun mata niya sa hindi magkasyang pagngiti kapag mga anak niya yun pagkukuwentuhan namin.
And since I was just staying home, we got to see each other lately more often than we used to for the past decade. Madalas pang siya ang gumising sakin.
"Taho! Tahooooooo!!!!" (magse-stay nang matagal sa labas ng bahay namin hanggang magising ako.
"Mang Louie, teka lang po!"
"Min, wala kang pasok?"
"Opo! Padagdag ng sago."
