Friday, December 14, 2007

Dec 14

This very same time last year, nagngangangawa na 'ko sa opisina. Literally flooding with tears. At dahil yun syo, walangya 'ka. =P May blog entry pa nga ako exactly one year ago eh. Can't believe it's been a year now, noh? Bilis ng panahon. It's just fascinating to realize na sa lahat-lahat nang nangyari nun, ang pinaka natatandaan ko vividly eh hindi yun itsura mo nung first time kita makita sa sarili mong coffin. Hindi rin yun moment na nasa Church kami ni Cheng at hindi man lang nakalapit sayo nung last blessing mo dahil hindi kami makatayo sa panghihina. But it's that v. moment, at around 1:30 in the morning, when my Mom entered my room, bluntly said, "Ate, patay na si Mayie". Nung natulala ako for what seemed like eternity, nilapitan nya ko then hinawakan ako sa ulo -- she didn't know what to do to comfort me. Days, weeks, months, and now a year after, yun pa rin yun concept ko ng pagkawala mo. Tanda ko pa nun nakipag-deal pa ko kay Lord na bubuuin ko yun Simbang Gabi para pagalingin ka. At alam Niya na NEVER pa ko nakabuo ng Simbang Gabi ever. Pero di na niya in-accept yun bargain ko. Di ka na niya pinaabot ng Simbang Gabi. Funny din yun si Lord eh.

O siya, have a blast up there! Don't worry much about your little darling, she's growing up to be more and more adorable each day. Ang daldal na niya kahit di ko siya naiintindihan. I'll hug her for you. ;) I love you.

Love,
Mimin

Ps. Ka-birthday mo yun newborn baby ni Andre! =D
Posted by chillybean at 8:39 AM |  
Labels: , ,

0 comments:

Subscribe to: Post Comments (Atom)