Showing posts with label senti. Show all posts
Showing posts with label senti. Show all posts
Saturday, December 08, 2007
Waaaahhhh.... Sinubukan ko na ang lahat para di kita isipin, ngunit ako'y nabigo. Pansin mo bang nagpaka-busy talaga ako buong araw? Hindi ko nga alam kung marami lang ba akong panahon or sadyang panahon mo ngayon. Naiisip kasi kita lately nang madalas. Tapos nung mahalukay ko yun mga old journals ko, parang ayokong buksan kasi mababasa kita sa loob. Asar. Hmpf. Napikon pa nga ako nung may mag-joke sakin kanina na tinext ka raw niya. Hindi ko nakuha yun humor. Kasi sa totoo lang pinipigilan ko talaga ang sarili kong i-text ka. Para san pa, babasahin mo ba? Haaa-haaay. Pero sige na nga, cheers na rin. Para sa lahat ng napagdaanan natin. At sa mga bagay na kahit sa pangarap eh hindi na natin mapapagdaanan pa. Tsaka nga pala, alam kong magiisang-taon ko na 'tong sinasabi sayo ng paulit-ulit..pero uulitin ko lang ulet: Sorry sa mga nagawa ko at higit sa lahat, sorry sa mga hindi ko nagawa para syo. Happy Birthday, Mayie. Miss na kita. Miss ko na tyo. :'(
Wednesday, September 19, 2007
In spite of
Sa kabila ng puyat sa pag-uwi ng alas-kwatro ng umaga at pagpasok ng alas-diyes the next day, sa kabila ng boljak sa boss, sa kabila ng overflowing late registrations (sinabi nang wala ng slots eh!), sa kabila ng barubal na mga hotel ("I am too busy to read your last issue." Hello, customer service?), sa kabila ng stress sa paniningil ng 100++ unpaid delegates, sa kabila ng hindi ko pa pagiimpake at alas-tres ng umaga ang alis ko ng bahay bukas, sa kabila ng nagging fear na wala akong malipatang trabaho pagka-resign ko next month, sa kabila ng paglipas ng gutom, antok at pagod.... Ha-haaay...
May saudade attack pa rin.
Baket???? =,(
So near yet so far.
I hate this feeling.
Senti mode up and running.
May saudade attack pa rin.
Baket???? =,(
So near yet so far.
I hate this feeling.
Senti mode up and running.
|
Older Posts
|
Home
Subscribe to:
Posts (Atom)
