Saturday, December 08, 2007
Waaaahhhh.... Sinubukan ko na ang lahat para di kita isipin, ngunit ako'y nabigo. Pansin mo bang nagpaka-busy talaga ako buong araw? Hindi ko nga alam kung marami lang ba akong panahon or sadyang panahon mo ngayon. Naiisip kasi kita lately nang madalas. Tapos nung mahalukay ko yun mga old journals ko, parang ayokong buksan kasi mababasa kita sa loob. Asar. Hmpf. Napikon pa nga ako nung may mag-joke sakin kanina na tinext ka raw niya. Hindi ko nakuha yun humor. Kasi sa totoo lang pinipigilan ko talaga ang sarili kong i-text ka. Para san pa, babasahin mo ba? Haaa-haaay. Pero sige na nga, cheers na rin. Para sa lahat ng napagdaanan natin. At sa mga bagay na kahit sa pangarap eh hindi na natin mapapagdaanan pa. Tsaka nga pala, alam kong magiisang-taon ko na 'tong sinasabi sayo ng paulit-ulit..pero uulitin ko lang ulet: Sorry sa mga nagawa ko at higit sa lahat, sorry sa mga hindi ko nagawa para syo. Happy Birthday, Mayie. Miss na kita. Miss ko na tyo. :'(
Post a Comment
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
