Prac & More
Mula routing, paper works, computer works, filing, pag-set up ng materials for trainings, pagtawag ng mga soon-to-be trainees, manakbo sa Galleria para ibili ng whatever na cravings ng mga bossES ko, mag-xerox, kumuha ng tubig, sumagot ng phone, mag-send ng e-mails, mag-shred ng kahun-kahong "confidential" papers, at magkumpuni ng may toyong shredding machine. Name it, I've most probably done it.
Ito ang catch: 2 days pa lang ako dun. 10 hours/day. So 20 hours down. *whew!
Ayun, di ko na masyadong ie-elaborate kasi wala pa namang ganung ka-super exciting na naganap..except sa short moment I spent with my co-beauty queens...Miss Earth ang event kagabi eh. hehehe! And Jac hated me for not telling her na andun ako sa Ballroom. (Sorry na talaga!) Kundi lang nila ko hanggang waistline, nagpa-picture na sana ko.
Naku, ano ba 'to, walang saysay masyado ang entry ko.
Ang natatandaan ko lang kasi kanina eh.... kasama kita.... *speechless* ..tas hinatid mo ko ulet... *speechless* ...tas basta... and every second in between... *speechless* Haay..napawi lahat ng pagod ko. Sana mag-bukas na para makita na kita ulet. *deep sigh*
