Armine in Sarcastic Mode
Leche yun mga kapit-bahay namin. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na nakatira sa ibang bayan, dahil dito lang ako sa aming village naka-encounter ng mga gaya nila na umiikot ang mundo sa buhay ng ibang tao. Very amusing kind of life, if you ask me. And yeah, add “pathetic” to the list. Pero source of entertainment din naming “pag-chismisan” ang pagiging “chismosa” nila. Lalo na kapag nagkatagpu-tagpo ng landas yun mga taong pinag-aaway nila at sinisiraan nila sa isa’t-isa.
Victim # 1 (galit): “Hoy! Ano raw ‘tong naririnig kong marami akong utang?!”
Victim # 2 (mas galit): “Excuse me! Sabi mo nga raw may anak akong addict!”
Victim # 1 (nagtataka): “Talaga?! Sinabi ko raw yun?”
Victim # 2 (nagtataka na rin): “Oo raw. At sabi pa nga, sabi mo pa raw…blah blah blah…”
Victim # 1 (napapaisip): “Eh di ba nasa US ako nun?”
Victim # 2 (kalmado na): “Oo nga eh. Naisip ko nga rin yun eh..”
Victim # 1 & 2 (hahagalpak ng tawa): Bwahahahahahah!!!!!
Victim # 1: Ang kulet ng mga naimbento nilang kwento! Bwahahaha!
Victim # 2: Baka nagbabasa na komiks yun noh? Bwahahah!
Ngayon alam ko na kung sino ang role models ng mga kontrabida sa mga telenovela.
Kapit-bahay din namin ang kapitan ng aming baranggay (Syetness, probinsyang-probinsya. Hahaha!) So anyway, galit siya sa isa pang kapit-bahay namin na itago na lang natin sa pangalang si Mr. Y na kinaiinggitan niya at ng kanyang asawang “writer” daw. Dahil sa nakikita niyang ka-close namin sila neighbor Mr. Y, kasama na rin kami sa list ng mga taong ginagawa niyang panira ng araw nila. Kami naman ay deadma lang. So anyway, itong si Mr. Y eh nagpataas ng bakuran. Yun as in di mo makikita from the street yung bahay nila. Nireklamo ni Kapitan ang pagpapatayo niya ng swimming pool. Baka raw wala tapunan ng tubig. Duh! Ever heard of drainage system? Tapos araw-araw dinadaanan ng Altis, Frontier at Pajero ni Kapitan yun mga halaman ni Mr. Y sa tapat ng bahay nila. Itong lokong Mr. Y, naglagay ng statues ng mga gnomes sa bakuran niya. At yung mga gnomes ay naka-dirty finger at nakalabas ang butt, exposed directly sa dumadaan sa mga halaman niya. Bwahahahahah!!!! Laughtrip! So si Kapitana (asawa ni Kapitan) ay namumula sa galit. Dapat daw yun patanggal dahil nakaka-pollute daw ng isip ng mga kabataan. Wtf??? “pollute the mind of the youth my @$$!” Kelan pa siya naging isang mabuting huwaran sa mga kabataan? Kung di nga niya dinadaanan yun mga halaman ng kapit-bahay namin eh hindi niya papansinin yung mga Gnomes eh. So sinong guilty? Pero pinaka-panalo sa lahat eh yun araw-araw niyang pag-akyat sa isang ladder para lang masilip kung anong nagaganap sa bahay nila Mr. Y dahil naghihinala na raw siya na baka pedophile na raw ito… *syet! Gumugulong na ko sa floor nang katatawa*
Meron din silang amusing stories about sa amin, pero di gaanong kasing exciting nga mga chismis niya sa ibang kabahayan. Boring ata kami kasi di nila kami gaanong nakikita. Except for that one time nung nagja-jogging ang Dad ko (lagi siyang nagja-jogging every afternoon, minsan kasama Mom ko, pero this time, he was on his own), nakita niya ang local version namin ng paparazzi.
Dad: “Good afternoon, Mrs. (The Buzz)!”
Mrs. The Buzz (serious, accusing tone): “Alam mo ikaw, lagi na lang kita nakikitang nag-ja-jogging papunta sa street na yun. May babae ka dun noh?”
Dad (poker face): Meron nga.
Bwahaha! Ang lupet talaga nun. Sana magkaroon na ng excitement ang buhay nila para di na sila nakikisawsaw sa excitement ng buhay ng iba. Yun lang. :)
