Friday, February 24, 2006

Bloopers

I know nagkakagulo na ang bansa (Madam GMA just declared state of national emergency). Pero para pampalamig ulo, ito na munang mga bloopers ang para sa mahal kong blog. :)


-=-=-=-=-=-=-

I was in 2nd year college nung nagkaron kaming ultimate crush ng mga gurl friends ko sa isang god-like na nilalang. One time, naglalakad kami ni Aila sa AS walk, galing kaming Chem Pav, papuntang AS 101. Valentine’s Day nun. Isang org yung rumaket na pwede mong bayaran sila para kuhanan ng picture yung crush mo.

Aila: Hay naku noh! As if naman magbabayad ako ng 30 pesos para dun! Cheap ha!

Me: Asus! Eh kung si PAUL (Middle Name) (Last Name) ang kuhanan,,,naked?!

Aila (naughty smile): Ah..eh iba na yu… uhm.. *natahimik & dahan-dahang dumikit sa ‘kin*

Me: Hala! Para kang nakakita ng multo…hehehe!

Aila: Arms..nasa uhm..nasa likod siya..

Me (lalong lumakas ang boses): HELLO?! Ang tagal-tagal ko nang di nakikita yun noh?! Ngayon pa ba siya susulpot sa likod ko kung kelan pinagsisigawan ko yung buong name niya?!” *shaked head in disbelief*

Aila (whispering): Arms…ngayon pa ba ko magjo-joke nang ganito..?

I slowly turned my head to my right para makita siya sa peripheral vision ko. And the guy was exactly 2 steps behind me…

Me: Aila…? Takbo na tayo…please??

A couple of years after, nakita ko ulet si Paul. He was formally introduced to me by a close friend. Wala namang bakas ng pagkakakilanlan sa mga mata niya. Pero magkasabi ko ng “hi” tumalikod na ko, mahirap na! Haha!

-=-=-=-=-

I was in 3rd year college. Merong whole day activity yung org na ina-apply-an namin ni Aila pero di kami naka-attend nung umaga. So lunch time, sa CASAA, nakita namin yung mga co-apps namin.

Me (smiling): Hey! What’s up? Anong ginawa niyo kanina?

Co-app #1 (cheerful): Hmm…wala naman.

Me (still smiling): I see. Thanks!

Me (smiling): Uy, hello! Busy ba kanina? Maraming ginawa?

Co-app # 2 (very perky): Hi, Arms & Aila! Kanina? Hinde, wala naman masyado.

And I had the same conversations with co-apps 3, 4 & 5.

Me (irritated, eyebrow raised; to Aila): Pot@h! Buong umaga sila dun wala raw silang ginawa? Loko pala yung mga yun!

Aila (whispering): Ahem! Arms…?

Me (getting the idea): Lintek! Tell me nasa likod ko sila!!! Tell me!

Aila (couldn’t hold her laughter): Mamamatay ka talaga sa saksak..

I turned around and wouldn’t you know, nasa table sila sa likod ko.

Me: … I know..saksak sa likod, pare.

I tried to be Miss Congeniality to that org ever since. Sabihin na lang nating mahal ko pa ang buhay ko.

-=-=-=-=-=-

Last year. First time pumunta ni Jac sa house namin. Kasama niya si Rhyan. Kakaulan lang nun so “slippery when wet” ang mode ng backyard namin. Nagpumilit si Rhyan na pumunta sa likod bahay para silayan ang 3 pet turtles ko. Ako naman, attempting to be a graciuos hostess, eh sinundan siya.

Rhyan: Ate Arms, ingat ka ha, madu……

*BLAAAAG!*

Me: Whaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

For a split second, nakatulala sa akin si Rhyan, si Jac, my bro & my Mom..

Fudget...... WHY ME di ba???? WHY?????

Si Rhyan nagdadalawang isip kung pupuntahan na ba ako o tatawa muna. Medyo mabilis ang mga pangyayari, nawindang ang EQ at IQ niya (yeah, naiintidihan ko sya). Although tinulungan niya kong tumayo eh tao lang siya, at natatawa rin. Sad.

Si Jac, nanahimik….

Jac (very concerned tone): Oh noh..arms???

Until she couldn’t take it any longer…

BWHAHAHAHAHAHAH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Haaay…Lord..

-=-=-=-=-=-

2006 UP Fair: EraserFest. Nagpapa-henna tatoo ang beloved barkada kong si Ann. Since naka-upo siya sa dulo ng bench, she asked us na umupo sa tabi niya nung mag-alisan yung mga nakaupo dun. Kaso lang may nakaharang na booth dun so hindi ko makikita ang..

Emcee: Peyups, give it up for KAMIKAZE!!!

Shit, ito na pinaka-aantay kong banda!

So tumayo ako sa bench. Pero malayo pa rin eh. So bumaba na lang ako. Paghakbang ko…….you guessed it mga ‘tol..

*BLAG!!!*

Oh man. ME AGAIN??????

Naging madilim lalo sa paningin ko ang madilim na ngang Sunken Garden. Napaisip ako.. nagdasal..Sana Lord panaginip lang..

But noh, pagdilat ko, humahagalpak na ng tawa si Ann. At si Chard (note: he's my beloved) natulala..at napatanong..

Chard: “uy, ok ka lang?”

Me: Uhm…

(HELLO!!!!! NASA LUPA AKO, MUKHA BA KONG OK????)

Pero hindi ko na yun nasabi kasi tao lang sila, nasha-shoked din. Kaya siguro hindi nila agad ako naintindihang kailangan ko ng tulong para makatayo.

Syet na malupet! Ako lang may kaya nun! Ako lang ang may lakas ng loob na umagaw ng eksena sa Kamikaze for all the Fair people to see. Ako lang! Ako lang ata ang tanga.


-=-=-=-=-=-

Sabi nga ng bestfriend ko: Bakit kung kelan tumatanda tayo tsaka ka nahihilig sa public entertainment?

Hay ewan ko ba. Baka stunt woman or Dolphy-wannabe ako nung past life ko.

-=-=-=-=-=-
* Anyway, let's hope and pray na matapos na ang lahat ng kaguluhan na 'to na nangyayari sa ating bansa.

Posted by chillybean at 2:34 PM |  
Labels: , ,

0 comments:

Subscribe to: Post Comments (Atom)