Thursday, October 26, 2006

Labu-labo

Malapit na mag-Halloween! Sana man lang na-experienced ko ang Trick or Treat nung bata ako. hehehe! Pero noh, isang simpleng mamamayan lang kami na ang nilu-look forward ay ang Magandang Gabi Bayan. Nyahaha! Syet, wala ng ganun ngayon. Ma-mi-miss ko ata yun Lola na may mahabang silver/white hair na walang ngipin. Yun biglang bumabangon sa lumilipad na ataul. Sana may projects pa sya this season.

Ang ginaw..brrrr.... Magpa-Pasko na! Excited na ko magshopping for my 12 inaanaks. Yey! Sila ang dahilan kung bakit ako nagtatrabaho ngayon. hahaha!

Nami-miss ko na mag-hiking kasama ang TK! Nag-hiking kasi yun barkada ng bro ko last weekend. Akalain mong may falls/mini river pala silang napupuntahan sa pinaghi-hiking-an namin??? Eh mas maraming beses pa ko naghiking sa mga batang yun pero why oh why wala kaming nakitang any body of water ng mga barkada kong athlete? (sarcasm intended. haha!) Note to self: mag-ipon ng pambili ng rubber shoes para makapagyaya ng hiking with TK. (Remembering may bro's comment: "Ate, mag rubber slipper ka na lang, sinasabi ko syo." Aba'y san ba talaga naghi-hiking yun mga batang yun?)

My scolio and asthma have been enthusiastically reminding me of their presence lately. Sabi ko kasi kay Mommy kung Sustagen for Kids yun iniinom ko nun baka mas healthy ako ngayon eh! May freebies pa ko sa pagbisita nila Susie and Geno sa school, if ever. *regrets*

We are going to Bohol this Christmas vacation! I am so freakin' excited!!! Hello, Tarsiers! Hello Chocolate Hills! Goodbye, inaanaks! Nyehehehe!
Sana may magregalo sakin ng digicam this Christmas. Santa, are you there?
Posted by chillybean at 12:22 PM |  
Labels: , , , ,

3 comments:

Subscribe to: Post Comments (Atom)