Something about her
But who would have thought that she will encounter the devil in her lifetime?!
Wala naman siyang maalalang grabeng kasalanan sa kapwa niya sa past para maging deserving sya ng ganito kalupit na karma. As much as she wants to let it all out, para one time big time lang, matapos na, eh hindi niya magawa. Kasi hindi siya madaling gawin. Mabigat din siyang dalin. What if hindi siya maintindihan ng mga tao? What if i-condemn siya nila sa nangyari? Pano na lang yun mararamdaman ng mga mahal niya sa buhay, pamilya, kaibigan? At para saan pa? Tapos na. Naganap na. Hindi na maibabalik pa. Alangan namang patayin nya yun gumawa nun sa kanya? Although minsan, kapag tina-traydor siya ng kanyang memorya, ganun nga yun gusto niyang gawin.. pumatay. Kaya bigla na lang siya umiiyak. Taena. Buti na lang kaya rin niyang dalin kasi madali rin niyang makalimutan. Pero gaya nga ng na-established na kanina, hindi niya makuhang isiwalat kasi para saan pa? Para maalala pa niya lalo kung gano kababa yun pakiramdam nya? At para bumaba rin ang pagtingin sa kanya ng ibang tao? Wag na lang siguro. O baka naman kasi duwag siya? Masyado siyang mahina para tanggapin ang nangyari. Kapag isinuwalat niya, nangangahulugan itong tanggap na niya. Pero hindi pa siya handa. Siguro balang araw.
It's damn too late.
Disclaimer: Ang entry na ito ay wala masyadong connection sa entry sa baba. *turo sa baba*
