Back then
Pero madalas, hindi napagkakasya ng Nanay niya yun allowance bago dumating yun susunod ng sweldo ng Tatay niya. Isipin mo naman, 12 dalawa silang kumakain sa bahay. Kaya ang ginagawa niya minsan kapag wala ng pera ang Nanay niya, aalis siya sa bahay ng maaga. Kunyari papasok siya sa skwela, kasi ayaw ng Tatay niya na aabsent siya kahit pa ipamasahe niya yun ipangkakain nila. Bibigyan siya ng baon/pamasahe ng Tatay niya papuntang Maynila. Tapos maglalakad lang siya mula Bulacan. Kapag nakalahati na niya yun layo, lalakad naman siya pabalik sa bahay nila. Dadaan siyang palengke. Bibili siya ng tuyo. Uuwi siya sa kanila. Madadatnan niya nun yun Nanay niya, hindi pa kumakain. Lulutuin niya yun tuyo. Bibigay niya yun katawan sa Nanay niya at yun ulo, sa kanya. Dudurugin niya at ihahalo nya sa mainit na kanin.
Ngayon, asensado na siya. Nakatapos siya ng pagaaral. Napag-aral niya yun mga kapatid niyang sumunod sa kanya. Nagkaron na siya ng pamilya. May sarili na siyang bahay, kotse, at malapit na niya mapatapos ng pag-aaral ang lahat ng 3 anak niya. Kapag nakaka-experience siya ng problema sa pamilya, trabaho, kaibigan, iniisip lang niya yun moment na naglalakad siya papasok at uuwi para kumain ng dinurog na ulo ng tuyo, alam na niya agad na kaya niyang lagpasan ang lahat. “Basta anything NOT less than that moment, I know I’ll be ok.”
I heard my Dad telling that story to my Ninong. I looked around if somebody’s watching me. Then I sobbed. Tears of pride & gratitude for my Dad and other great men of his generation. Tears of shame for myself and other young people who do not know how to appreciate what they have.
