Showing posts with label pride. Show all posts
Showing posts with label pride. Show all posts
Tuesday, November 14, 2006

Back then

Nung highschool pa lang siya, sa Bulacan nakatira yun pamilya niya pero iskolar siya sa skwelahan sa Manila. Tatay lang niya ang nagtatrabaho sa kanilang pamilya dahil kelangan ng Nanay niya na manatili sa bahay at alagaan silang 10 magkakapatid. Mahirap ang buhay at mahirap lang sila. Matalino siya kahit nung bata pa kaya nagiging skolar siya at nagsisikap talaga ang Tatay niya na mabigyan siya ng pamasahe araw-araw para makapasok siya sa Maynila. Yun mga kapatid niya, sa probinsya lang nag-aaral kaya di niya kasing laki ng baon.

Pero madalas, hindi napagkakasya ng Nanay niya yun allowance bago dumating yun susunod ng sweldo ng Tatay niya. Isipin mo naman, 12 dalawa silang kumakain sa bahay. Kaya ang ginagawa niya minsan kapag wala ng pera ang Nanay niya, aalis siya sa bahay ng maaga. Kunyari papasok siya sa skwela, kasi ayaw ng Tatay niya na aabsent siya kahit pa ipamasahe niya yun ipangkakain nila. Bibigyan siya ng baon/pamasahe ng Tatay niya papuntang Maynila. Tapos maglalakad lang siya mula Bulacan. Kapag nakalahati na niya yun layo, lalakad naman siya pabalik sa bahay nila. Dadaan siyang palengke. Bibili siya ng tuyo. Uuwi siya sa kanila. Madadatnan niya nun yun Nanay niya, hindi pa kumakain. Lulutuin niya yun tuyo. Bibigay niya yun katawan sa Nanay niya at yun ulo, sa kanya. Dudurugin niya at ihahalo nya sa mainit na kanin.

Ngayon, asensado na siya. Nakatapos siya ng pagaaral. Napag-aral niya yun mga kapatid niyang sumunod sa kanya. Nagkaron na siya ng pamilya. May sarili na siyang bahay, kotse, at malapit na niya mapatapos ng pag-aaral ang lahat ng 3 anak niya. Kapag nakaka-experience siya ng problema sa pamilya, trabaho, kaibigan, iniisip lang niya yun moment na naglalakad siya papasok at uuwi para kumain ng dinurog na ulo ng tuyo, alam na niya agad na kaya niyang lagpasan ang lahat. “Basta anything NOT less than that moment, I know I’ll be ok.”

I heard my Dad telling that story to my Ninong. I looked around if somebody’s watching me. Then I sobbed. Tears of pride & gratitude for my Dad and other great men of his generation. Tears of shame for myself and other young people who do not know how to appreciate what they have.
Posted by chillybean at 11:00 AM | 0 comments  
Labels: , ,
Wednesday, October 05, 2005

Dairy Dose Milk Bar: 1/5 Gold + 4/5 Friendship

Grabe na yung naganap sa buhay ko ng dahil sa feasib kong 'to. Friendship + Gold yun eh. Dati pa naman, takot talaga ko ma-attached sa mga tao. Siguro kasi ayoko nung bandang huli eh may goodbye mode, syet, ayoko nun! Pero mahirap maging hindi attached sa groupmates ko. Sa kanila ako nakaramdam ng extremes of emotions. Sobrang saya, sobrang busy, sobrang petiks, sobrang lungkot, sobrang dreams, sobrang disappointments, sobrang galit. At dahil sa naging successful silang iparamdam sa akin ang lahat ng 'yun, officially kong ina-announce na, oo, sila ay nabibilang sa mga taong may napaka-lakas na impact sa kung sino ako ngayon at sa kung anong disposition meron ako. Hindi ako nagpapakita ng emotion sa harap ng maraming tao, pero hindi ko na napigilan kahapon, lekat, umiyak ako!!! At nakakatawa mang aminin eh nakaka-proud din, na Oo, hindi lang ako kundi lahat kaming groupmates ko! Eeeww!! Sabi nga ni Rhyan, "very chummy!!! Ack!!!" hahaha! Kinailangan niyang kunin ang mic at mag-speech, "Hindi kami umiiyak ng dahil naka-gold kami. Umiiyak kami kasi naging sobrang close kami. At ngayon, tapos na ang lahat. Ito na yun eh! Practicum na lang eh!" Even Ma'am Roscom and Ma'am Parker ay nagpupunas ng luha. Nyahahaha! Sabi nga ni Ma'am Parker, sa class niya pa kasi kami unang naging close, tapos ngayon, makikita niya nang magpa-prac na kami. Hindi kami GC's, kundi more than anything else, masaya kasi kaming manggago. Oo, pasaway akong estudyante kabaliktaran ng inaakala nyong Uno-aimer ako. Reason lang namin for competing in class ay ang challenge na asarin ang mga GC's na may naka-beat sa kanila at ito ay ang mga pasaway nilang classmates. Goal lang namin sa pag-o-overnight eh ma-avail ang Red Horse + Extra Joss combo (na lately ko lang pinatos) na isang inuming parang Iced Tea ang lasa pero ayos naman sa lakas-tama. Goal lang naming kumanta sa Magic Sing ng alas-dos ng umaga habang may carpentry na nagaganap sa garahe. (Way back during Cactus days!) Goal lang naming tumawa, mag-pauso ng katarantaduhan, maki-uso sa vocabulary ni Rhyan at magpayabangan (ito ang pinaka-masayang part sa lahat).

Hindi ako natulog kanina kasi gusto kong i-maximize ang oras na magkakasama kami + ang beer, naka-tengga sa labas ng bahay ni Jac, naka-sandal sa Mazda, at nagkukuwentuhan ng lahat ng kababawan at kalaliman ng buhay. Ayokong maging attached. Pero dahil obvious na obvious na attached na 'ko, eh hindi na 'ko bibitaw. May officially new set of boring/gimik buddies na 'ko na nakakaalam ng kamalditahan ko. Kapag tinanong niyo sila kung mabait ako, magdadalawang-isip silang sumagot! Nyahahaha! No goodbyes.

Through this entry gusto ko palang magpasalamat sa isang importanteng matalik na kaibigan. Grabe yung suporta at tulong na binigay niya. Sabi nga nila Rhyan sa akin eh sobrang swerte ko raw sa kaibigan. Wala raw siyang friends na gagawin sa kanya yung ginawa for me ng kaibigan kong yun. Dahil dun, lekat, naiyak ako. Na-realized ko lalo kung gano talaga nga naman ako ka-swerte. Walang pagdadalawang-isip andun siya karamay ko. Kasehodang isang linggo na siya puyat at yun ang moment na supposedly eh ka-gimik siya ng mga blockmates niya. Meron akong naiisip na million and one reasons kung bakit pwedeng tanggihan niya 'ko, pero hindi niya yung ginawa. At hindi ko masabi kung may makakagawa pa nang ganung sakripisyo for me ulit sa tanang buhay ko. Grabe, ibang klase ka talaga. Hindi ako nagtataka kung bakit at one point in my life eh minahal kita nang sobra-sobra. Salamat, dude. Hinding-hindi ko 'to makakalimutan sa buong buhay ko. Forever akong magiging thankful kasi ngayon eh matalik kitang kaibigan. Bigyan lang ako ng pagkakataon at babawi ako, promise.

Sa lahat ng encouraging words na natanggap ko, maraming-maraming salamat. Hindi niyo alam kung gaano yun nagma-matter sa akin. Hindi lang grade ang usapan sa feasib na 'to. Test of your whole character talaga. By-product na lang ang grades, palamuti kung baga. Pero yung experience, yung roller-coaster ride of emotions, yung hatred, love, patience and friendship, iba 'to.

Nga pala, mula ngayon, addict na rin ako sa Pinoy Big Brother bilang isang favorite break time ng feasibmates ko. Nyahaha!!!
Posted by chillybean at 9:50 PM | 4 comments  
Labels: , , , , ,
Sunday, May 22, 2005

UP Kong Mahal

I'm missing school!!!

- ang maginaw sa umaga, mainit sa tanghali, at mahangin sa hapon na environment ng buong UP campus
- ang CHE building at naghihingalong Gusali (name 'to ng isang building namin, swear)
- ang annoying and makukulit na Profs ("Sus! Kaya n'yong maka-uno sa 'kin? bwahahaha!" - psychotic laugh of Ma'am Parker)
- ang Tearoom na inalila ako sa loob ng isang taon, pati na ang pang-aalaska ng mga staff sakin
- ang roomy ladies' washroom
- ang fishball ni Manang
- ang nakakaantok na lib
- ang SC at mga computer shops
- ang chapel na favorite haven ko lalo na pag may pesteng exam ako sa eng'g
- ang Oz Cafe
- ang pinakamamahal kong Kamia at ang lalong pinakamamahal kong roomates
- ang Sunken Garden
- ang tindahan ni Kuya Narry na naging "piping saksi" sa lahat ng katarantaduhan namin nila Kat
- ang Palma Hall, lalo na ang lobby
- ang CASAA at mga nakakasawang pagkain dun
- ang Mang Jimmy's (teka, outside UP na 'to ah)
- ang Sara's (tomaan ng bayan 24/7)
- ang lahat ng parking lots
- ang dorm ni Yakie
- ang haggard na feeling kapag tambak ang deadlines
- ang away namin ni Rhyan at namin ni Jac
- ang pinakamamahal kong groupmates
- ang pasaway kong mga classmates
- ang lahat-lahat!

Buti na lang di pa ko graduate. ;)
Posted by chillybean at 1:14 PM | 0 comments  
Labels: , , ,
Sunday, April 10, 2005

Realization

I was meaning to do a ranting. You know, how I've been "tulala" most of the times lately, asking myself if there's really something worthwhile for me to do with my life. I was feeling kinda "empty" in a sense that there seemed to be nothing in this world that I can be good at. I'm not getting any younger and my list of achievements still remains empty. I've been talking to myself most of the times, trying to figure out what exactly is my passion. How can I be useful? I've been a burden to my parents for almost 23 years already (not to mention, I don't really stand as a good role model to my younger bros). As my Mom put it, "Maawa naman kayo sa daddy niyo. Gustung-gusto na umalis sa isang trabaho niya hindi magawa." It hit me. One time, BIG time. So you can just imagine how I was feeling terribly, terribly worthless.

Until I got to chat with one of my best friends. She was thanking me for the thousandth time for being there for her during the lowest moment of her life. She said that choosing me to be her friend was one of her wisest decisions in life. That even though we didn't get to see each other often, when she needed me most, I was always there by her side. She said those words with most sincerity, almost closed to tears. That's when I smiled, my heart skipped a bit, and I felt alive again.

Perhaps I haven't been a big help to my parents in terms of financial assistance. Perhaps I can't give them yet my diploma that they've been dreaming all their lives. Perhaps I'm still not a successful career person that they can tell their friends about. But I'm pretty sure I can make them feel damn proud because I've been a good friend once in my life. That there's this one person in this planet that acknowledged me as a good soul. That for this one person, I'm not worthless, and that I had actually done something invaluable in this lifetime.
Posted by chillybean at 8:10 PM | 0 comments  
Labels: , , ,
Subscribe to: Posts (Atom)