Tuesday, August 30, 2005

Shout Out

Sabi nila, pare-pareho lang daw kayo! Nag-iiba lang ng damit, pero iisang elemento lang. Hindi na nga ako magdadalawang-isip na maniwala eh. Lahat ng mahal ko sa buhay sinaktan niyo. Binigay nila lahat sa inyo, halos wala na ngang matira para sa sarili nila. Pero hindi niyo yun inalagaan. Binasura niyo lang yung pagpapahalaga nila sa inyo! Sa simula lang kayo nagbabalat-kayong matino. Pero hindi nagtatagal at lumalabas ding ipokrito. Hindi ko nga alam kung bakit kayo ganun kalupit sa kanila. Naging mahina ba sila o naging mapag-samantala lang kayo? Pano kayo nakakatulog sa gabi kahit alam niyong may nasira kayong buhay o nagsira ng buhay nang dahil sa inyo? Minsan, hindi ko na alam kung paano ko pa sila tutulungang ibalik ang respeto nila sa sarili na nawalang bula kasama ng pag-alis nyo. Minsan, gusto ko na kayo isumpang lahat!

-=-=-=-=-=-=-

Disclaimer: The message above is definitely NOT for the love of my life, who happens to be one of the very few remaining good-natured persons ever existed.
Posted by chillybean at 10:47 PM |  
Labels: , , ,

0 comments:

Subscribe to: Post Comments (Atom)