Grabe na yung naganap sa buhay ko ng dahil sa feasib kong 'to. Friendship + Gold yun eh. Dati pa naman, takot talaga ko ma-attached sa mga tao. Siguro kasi ayoko nung bandang huli eh may goodbye mode, syet, ayoko nun! Pero mahirap maging hindi attached sa groupmates ko. Sa kanila ako nakaramdam ng extremes of emotions. Sobrang saya, sobrang busy, sobrang petiks, sobrang lungkot, sobrang dreams, sobrang disappointments, sobrang galit. At dahil sa naging successful silang iparamdam sa akin ang lahat ng 'yun, officially kong ina-announce na, oo, sila ay nabibilang sa mga taong may napaka-lakas na impact sa kung sino ako ngayon at sa kung anong disposition meron ako. Hindi ako nagpapakita ng emotion sa harap ng maraming tao, pero hindi ko na napigilan kahapon, lekat, umiyak ako!!! At nakakatawa mang aminin eh nakaka-proud din, na Oo, hindi lang ako kundi lahat kaming groupmates ko! Eeeww!! Sabi nga ni Rhyan,
"very chummy!!! Ack!!!" hahaha! Kinailangan niyang kunin ang mic at mag-speech, "Hindi kami umiiyak ng dahil naka-gold kami. Umiiyak kami kasi naging sobrang close kami. At ngayon, tapos na ang lahat. Ito na yun eh! Practicum na lang eh!" Even Ma'am Roscom and Ma'am Parker ay nagpupunas ng luha. Nyahahaha! Sabi nga ni Ma'am Parker, sa class niya pa kasi kami unang naging close, tapos ngayon, makikita niya nang magpa-prac na kami. Hindi kami GC's, kundi more than anything else, masaya kasi kaming manggago. Oo, pasaway akong estudyante kabaliktaran ng inaakala nyong Uno-aimer ako. Reason lang namin for competing in class ay ang challenge na asarin ang mga GC's na may naka-beat sa kanila at ito ay ang mga pasaway nilang classmates. Goal lang namin sa pag-o-overnight eh ma-avail ang Red Horse + Extra Joss combo (na lately ko lang pinatos) na isang inuming parang Iced Tea ang lasa pero ayos naman sa lakas-tama. Goal lang naming kumanta sa Magic Sing ng alas-dos ng umaga habang may carpentry na nagaganap sa garahe. (Way back during Cactus days!) Goal lang naming tumawa, mag-pauso ng katarantaduhan, maki-uso sa vocabulary ni Rhyan at magpayabangan (ito ang pinaka-masayang part sa lahat).
Hindi ako natulog kanina kasi gusto kong i-maximize ang oras na magkakasama kami + ang beer, naka-tengga sa labas ng bahay ni Jac, naka-sandal sa Mazda, at nagkukuwentuhan ng lahat ng kababawan at kalaliman ng buhay. Ayokong maging attached. Pero dahil obvious na obvious na attached na 'ko, eh hindi na 'ko bibitaw. May officially new set of boring/gimik buddies na 'ko na nakakaalam ng kamalditahan ko. Kapag tinanong niyo sila kung mabait ako, magdadalawang-isip silang sumagot! Nyahahaha! No goodbyes.
Through this entry gusto ko palang magpasalamat sa isang importanteng matalik na kaibigan. Grabe yung suporta at tulong na binigay niya. Sabi nga nila Rhyan sa akin eh sobrang swerte ko raw sa kaibigan. Wala raw siyang friends na gagawin sa kanya yung ginawa for me ng kaibigan kong yun. Dahil dun, lekat, naiyak ako. Na-realized ko lalo kung gano talaga nga naman ako ka-swerte. Walang pagdadalawang-isip andun siya karamay ko. Kasehodang isang linggo na siya puyat at yun ang moment na supposedly eh ka-gimik siya ng mga blockmates niya. Meron akong naiisip na million and one reasons kung bakit pwedeng tanggihan niya 'ko, pero hindi niya yung ginawa. At hindi ko masabi kung may makakagawa pa nang ganung sakripisyo for me ulit sa tanang buhay ko. Grabe, ibang klase ka talaga. Hindi ako nagtataka kung bakit at one point in my life eh minahal kita nang sobra-sobra. Salamat, dude. Hinding-hindi ko 'to makakalimutan sa buong buhay ko. Forever akong magiging thankful kasi ngayon eh matalik kitang kaibigan. Bigyan lang ako ng pagkakataon at babawi ako, promise.
Sa lahat ng encouraging words na natanggap ko, maraming-maraming salamat. Hindi niyo alam kung gaano yun nagma-matter sa akin. Hindi lang grade ang usapan sa feasib na 'to. Test of your whole character talaga. By-product na lang ang grades, palamuti kung baga. Pero yung experience, yung roller-coaster ride of emotions, yung hatred, love, patience and friendship, iba 'to.
Nga pala, mula ngayon, addict na rin ako sa Pinoy Big Brother bilang isang favorite break time ng feasibmates ko. Nyahaha!!!